Mga Sanhi ng Gastric Disorders o Sakit sa Tiyan

Blog Single

Mahalagang magkaroon tayo ng kaalaman na ang gastric disorder ay isang karamdaman na nakakagambala sa pangkaraniwang pagkilos at pang  araw araw na gawain. Samakatuwid, kailangan ang tamang pangangalaga upang ma-maintain ang healthy digestive system at ito ay mahalagang pagtuunan ng pansin.  Sa pamamagitan ng lab test at pamamaraan sa medisina, kailangang ng mga ito upang masuri ng tama kung ang isang tao ay may mga ganitong uri ng sakit sa tyan ayon sa mga sumusunod: dyspepsia, stomach acid or kadalasang tinatawag ito na hyperacidity o pangangasim ng sikmura, gastric ulcers naman ay kung may sugat sa lining ng tyan. Kung isa ka sa meron ng mga sakit na ito, kailangan mong sumangguni sa espesyalitang doctor upang ikaw ay masuri ng wasto at maresetahan ng tamang gamot.

 

May pagkakataon na may mga habits ang tao na nag-ca cause ng cause gastric disorders. Ang mga sumusunod ay ang mga habits na ang tri- trigger ng sakit sa tyan:

 

Unhealthy Diet or pagkain ng hinde masustansyang pagkain

Pagkain ng mga processed foods (hotdogs, ham, atbp), junk food, o diet na mataas ang  carbohydrates content, tulad ng sugar, salt, spicy foods, and mga taba ng karne, ang mga iyan ang nagdudulot ng pagkakaroon ng sakit sa digestive system.  Dahil ang mga ito ay may mababang nutrients content, fiber, at water, ngiging mabagal ang digestive process or pagtunaw ng mga kinain.  Dahilan upang maging bloated at mag produce ng gas sa tiyan.

 

Overeating or Pagkain ng sobra

Ang pagkain sa hinde tamang oras pagkatapos ay kakain ng sobrang dami dahil pagkaramdam ng sobrang gutom ay isa rin sa mga dahilang ng stomach acid at pagbagal ng pagtunaw ng kinain. Ang iyong mga kinain ay na-iiwan ng matagal sa tiyan at hinde agad natutunaw na nagiging fats at toxins kapag tumagal.  Ang kondisyong it ay maaring mag trigger ng heartburn, acid reflux, pagsusuka at pagduduwal.

 

Hihiga pagkatapos kumain

Madalas ka bang mahiga or matulog agad pagkatapos kumain? Ang iyong katawan has the benefit of gravity upang makatulong na panatlihin ang mga nilalaman sa tyan or loob ng katawan ng tao ng sa tamang lugar at pagkaka pwesto. Kapag ikaw ay nahiga pagkatapos kumain maari itong mag leak sa esopahegeal sphincter. Dahil dito, iwasan mong kumain bago matulog or mahiga pagkatapos kumain. Kung ikaw ay hihiga siguraduhin mo na nkatagilid ka sa iyong kaliwang bahagi.

Dehydration

Dehydration or hinde paginom ng tamang dami ng tubig ay isa sa mga dahilang digestive system disorders.  Ito ay nagdudulot ng constipation, gastritis, and acid reflux. Ang ganitong kondisyon ay maaaring magdulot ng pagipon ng acid sa tiyan. Ayon sa research ang tamang pag inom ng 8 hanggang 10 baso ng tubig araw-araw ay maiiwasan ang pagkakaroon ng acid reflux.

 

Hinde tamang pagitan sa pagkain at ehersisyo

Ang regular na pag eehirsisyo sa tamang pamamaraan ay maaring makatulong sa mga suliranin sa tyan. Kung wala kang oras upang pag-eehersisyo at ikaw ay patuloy lang sa pagkain, sa katagalan ito ay maaring mauwi sa, sakit ng tyan, pagsusuka, at pagbigat ng katawan na laging pagod na pakiramdam. Kailangan mo ng at least 2 hours after kumain bago ka mag -ehersisyo. Ito rin ay depende sa dami ng iyong kinain.

 

Hinde wastong oras ng pagtulog

Ang hinde wastong oras ng pagtulog ay nagdudulot ng GERD or  Gastroesophageal Reflux Disease, irritable bowel syndrome, and functional dyspepsia or iba’t ibang sakit sa tiyan.  Ang kakulangan sa oras ng tulog ay may masamang dulot sa gut microbiome a nagiging sanhi ng digestive problems at paghina ng immune system.

Share this Post: